The Reception episode


Baby: Mama! nakakatuwa po talaga ang palabas
na ito. Mama: Oo nga anak mukhang enjoy na enjoy ka nga sa pinapanood natin eh All: WAAAAAAAAAAHHH!!! Baby: Pops! anong nagyare bakit biglang lumabo? …ayusin nyo po please! Mama: Oo nga naman kung kelan maganda ang pinapanood… Pops: huwag kayong mag-alala…akong bahala… dahil ako si…SUPER POPS ang sasaklolo sa inyo at aayos ng inyong T.V hehehe “The Reception” Pops: (HMMM?! kainis! ano naman kayang problema at biglang lumabo ung T.V namin?) (huh?!) (…kaya pala…) (…may dumapo palang manok sa antenna…) (…ano kayang gagawin ko para mapaalis ko ang manok na iyon? ) AHA! (…may naisip na ako… siguradong aalis siya dahil sa naisip kong plano…he he he! ) (chicken clucking) Pops: (kailangan dahan-dahan akong lumapit…) (…konti pa…) (…hooops! konti na lang…) (…yari ka ngayong manok ka he he he! …) Pops: BULAGA!!! (…huh?!…) (…mukhang wa-epek yung pang-gugulat ko ah…) Pops: AH! alam ko na bubugawin ko na lang gamit ang club ko! Pops: (op! op! dahan-dahan…) Pops: WELCOME TO THE CLUB!!! (napanood ko kay megatoon he he) he he he!!! loko eh di alis ka ngayon!!! he he he Baby: Mama! bakit ang tagal naman po bumalik ni Pops? Mama: Naku! …ang aming Baby masyadong maaalalahanin… …huwag kang mag-alala pabalik na yon diba nga malinaw na uli yung palabas sa T.V Mama: Oh! heto na pala siya eh… Baby: YEY! Baby: Pops! ano po nangyari bakit natagalan kayo sa pag-aayus ? Pops: Naku! kaya pala lumabo ung T.V eh may manok na dumapo sa antenna natin! Baby: Ah! kaya po pala …eh ano po ang ginawa ninyo sa manok?! Pops: wala na…huwag mo na alalahanin iyon…siguradong hindi na yon babalik he he he All: WAAAAAAAAH!!! Pops: (Bumalik ka na naman! ngayon sigurado ako yari ka sa naisip kong plano he he he!) Pops: Pag nahuli ka sa patibong ko… …adobong manok ka mamaya he he he!!! (chicken clucking) Pops: (yan sige tuka! tuka! tuka!) (…yan ubos na…oh meron pa dito lapit…dont be shy he he he) (…ayan konting lapit na lang mahuhuli na kita he he he…) (…aba! choosy pa yata itong manok na ito ah… at ayaw pang tumuka?!…) Pops: (HUH?! …huy! hindi diyan!!! cam bek hir!!!) (…naisahan yata ako ng manok na ito ah?!…) Pops: HULI KA!!! Pops: he he he!!! oh? ano ka ngayon?! ang kulit mo kasi ayaw mo pa umalis kanina… …magdusa ka ngayon jan! he he he!!! Baby: Pops! hindi mo pa rin ba napapa-alis yung manok? Mama:Oo nga naman… …malabo pa rin kasi yung palabas sa T.V natin eh Pops: Huh?! ..Oo katunayan nga eh nahuli ko na siya! ayan oh! Mama: Eh?! bakit malabo pa din?! Baby: Oo nga po Pops! malabo pa din po… Pops: HMMMM?! Ewan ko?! …ano na naman kayang problema?! …huh?!… …WAAAAAAAHHHH DUMAMI!!! (chicken clucking) (THE END)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *